Hindi ko gamay ang pagsulat sa Filipino.
Bakit nga ba?
Marahil, hindi ito ang una kong wika, at ako’y nahihirapang isalin sa salita ang aking loobin. Nakakasalita naman ako nang maayos sa Filipino, ngunit kapag kailangan nang itaga ang aking naiisip sa papel ay parang wala akong mahanap na mailalagay.
Parang kapos at hilaw ang isip ko, na parang banyaga sa akin ang panunulat sa Filipino. Hindi ko alam kung ano ang mga katagang dapat gamitin para ilabas ang saloobin ko. Para bang wala akong magamit.
Hindi ako makata, at lalong hindi ko inaasam na maging makata, ngunit parang nahihiya ako sa hirap na nadarama ko ngayon, sa pagsulat ng isang sanaysay katulad nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat o di dapat ilagay dito, at para akong ulol sa pagsalin ng aking mga iniisip mula sa Ingles, na alam kong hindi naayon o nararapat kapag sinalin sa Filipino.
Hilaw at hindi lubos ang pag-unawa ko sa aking sariling dila, sa sariling wika, sa sariling bayan. At minsan, hindi ko masasabing tunay akong Pilipino dahil dito.
Pero hindi ba ang pag-angkop ng banyagang mga ideya at konsepto ay kasama sa pagiging Pilipino?
Minsan ay nalulungkot ako na hindi ko maisulat ang aking kalooban sa Filipino, na mas marunong pa sa akin ang mga batang lumaki sa America at hindi lumaki sa kulturang Pilipino, na sinalubong nila ang pagka-Pilipino nila nang lubusan.
Ngunit, eto ako ngayon, nagsusulat. Ewan ko ba.
I am not used to writing in Filipino.
Why?
Likely because it isn’t my first language, and I struggle to put my thoughts into words. I do speak Filipino, Tagalog, quite fluently, but once I need to put ink to paper I find I can’t find what to write.
It’s like my mind is half-baked, unripe, like writing in Filipino is alien and foreign. I don’t know what phrases to use to express myself. Like I don’t have the tools.
I am not a poet, nor do I aim to be one, but I feel ashamed in my own difficulties now, in writing this essay. I don’t know what or what not to put here, and I feel like an idiot translating my thoughts from English, that I know would not quite make sense in Filipino.
My understanding of my own tongue, my own country, is half-baked, unripe, and incomplete. And sometimes I can’t even say I’m Filipino because of this.
However, isn’t assimilation part-and-parcel of being Filipino?
I am sometimes sad that I can’t express myself in Filipino quite elegantly, that those kids who grew up in the US and were not steeped in Filipino culture know more than me, and have embraced being Filipino more fully than I have.
But this is me now, trying to write.
Thanks to Bhex Arcega and Clair Ching, who helped with an earlier draft of this post
Previously: Filipino